LIGHTER
Pagbilan nga ho ng tatlong Phillip”. Konti na lang. Mauubos na ang
karga ng lighter niya. Hindi naman talaga siya naninigarilyo. May
hika kasi siya. Sadyang napag-tripan lang niya. “Kung yung mga taong
walang bisyo nga maagang kinukuha ng Maykapal eh” yan ang paulit
ulit na tumatakbo sa kanyang isipan.
Ipinangako niya sa sarili na pagkaubos ng karga ng kanyang panindi
ay ititigil na niya ang pagyoyosi. Ayaw niya talaga ang bisyong ito.
Hindi niya talaga maunawaan kung ano ang nagustuhan ng mga
yosi kadiri sa bisyong ito. Sa kabila nito, heto siya at nakikiisa sa mga
kumag niyang kaklase na gawing tambucho ang bibig nila.
Konti na lang. Konting tiis na lang. Paulit-ulit niyang sinasabi sa
sarili. Pwede naman niyang itigil ito agad agad. Pero napagdesisyunan
niyang sulitin na ang pagkakataon. YOLO, ika nga ng mga kabataan
ngayon.
Makalipas ang tatlong linggo, tumigil na siya sa pagyoyosi. Bilang
selebrasyon sa pagtigil sa bisyo, nagpakape at biskwit siya sa loob ng
isang linggo. Hindi pa ubos ang karga ng lighter niya.